Thursday, October 14, 2010

Pasay Mayor Calixto all out war sa illegal drugs at gambling den


Mukhang Determinado aking mga p’re s Pasay City Mayor-elect ANTONINO “Tony” CALIXTO na labanan ang salot ng lipunan – ang ipinagbabawal ng mga DROGA maging ang mga sugalan para maalis ang naging katawagang “Sin City” sa naturang siyudad.
Sa katatapos na oath-taking at inagurasuyon ni Mayor CALIXTO kasama ang Vice Mayor-elect MARLON PESEBRE at 12 elected councilor na ganap sa St. Therese Shrine, Villamor Air Base, Pasay City na pinanumpa ni Executive Judge PEDRO “Pete” CORALES. Kasama sa mga inimbitahan si Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) Director General DIONISIO SANTIAGO at siyempre, naroon din ang veteran columnist na si RAMON “Mon” TULFO at ilang mga department at division head gayundin ang mga selected n barangay chairmen at ilang malalapit n kamag-anak, mga kaibigan at volunteers sa katatapos ng eleksiyon. Ating ding nasulyapan si GEORGE DEL ROSARIO, ang close friend ng CALIXTO Family.

May nakapagbulong sa atin na masinsinan ang naging pag-uusap nina Mayor CALIXTO at PDEA Chief SANTIAGO bago sinimulan ang inagurasyon at panunumpa. Hiniling nitong magtalaga o mag-install ng isang PDEA detachment para masawata at mawala ang naglipanang mga “drug pusher” kabilang na ang mga aktibong mga drug addict na ang layunin ay magsagawa ng pagnanakaw at pangholdap ng mga estudyante, mga pasahero sa mga commuter’s jeep at taxi kasama ang mga individual na mga sibilyan.

“Illegal drugs has become one of Pasay’s biggest problems. This has become a big threat not only to the security of our constituents but also to our economic progess,” wika pa ni Mayor CALIXTO.

Kung atin pong natatandaan aking mga parekoy, nang simulan ng PDEA authorities ang pagsalakay sa mga kilalang drug den sa Pasay City ay unang tinumbok ang lugar ng Apelo Cruz St., isang compound ng mga drug pusher at drug addict na sinundan ng pagkakaaresto ng isang police Pasay na si P01 Rodelio Rana, aktong nahulihang nagbebenta ng 1.5 high grade cocaine sa parking lot ng SM Mall of Asia at sa paglusob din ng mga awtoridad ng PDEA sa mga barangay 43, 44 at 45 sa kanto ng Tramo at Muñoz St., sa Pasay City.

“The presence of the PDEA detachment in Pasay City makes a lot of difference. Drug trafficking will become increasingly wary of their activities and sooner or later, they will leave the city and shift their business somewhere,” dagdag pa ni Mayor CALIXTO.

Sinabi pa ng bagong halal na alkalde ng Pasay na ang kanyang isasagawang pagtataboy sa drug lords at gambling lords sa kanilang siyudad para muling masilayan ng kanilang siyudad para muling masilayan ng kanilang mga kababayan ang PAGBABAGONG ito na ipingako ng ating Pangulong BENIGNO SIMEON “NoyNoy” COJUANGCO AQUINO III, na nagsabing kung walang kurapsyon walang mahirap. (Loy S. Caliwan)

No comments:

Post a Comment